Manila, Philippines – Itinigil ng Court of Appeals ang mediation talks sa claims ng developer ng Smokey Mountain project sa Tondo, Maynila laban sa state housing agency.
Ang desisyon ng Appelate Court ay kasunod ng banta ng government corporate counsel kontra sa posibleng fraudulent payments ng P1.1 billion ng National Housing Authority sa R-II Builders.
Ang R-II Builders ang proponent ng reclamation and housing development sa Tondo slum area noong 1993.
Sa resolution ng CA first division, nagdesisyon itong i-terminate ang mediation proceedings at ang consolidated cases kung saan pinababalik ito sa appellate proceedings.
Una nang nagpahayag ng kahandaan ang NHA na bayaran ang R-II Builders ng P1.12 billion at limang ektaryang property sa Vitas, Tondo.
Ang nasabing problema ay nag ugat sa pagpapatalsik ng concerned NHA union officers at senior executives kay NHA general manager Marcelino Escalada na pinaniniwalaang kaalyado ng sinibak na si Housing & Urban Development Council Secretary General Falconi Millar.
Si Millar ay nahaharap ngayon sa corruption charges matapos sibakin ng Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.