Manila, Philippines – Ipinagpatuloy ng Department of Justice ang preliminary investigation sa reklamong murder at frustrated murder kaugnay ng pagkamatay ni Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.
Sa pagdinig kanina, naghain ng counter affidavit ang Respondents na sina Cavite municipal councilor Lawrence Arca at Rhonel Bersamina.
Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa November 5, 10am kung saan ang kampo naman ni Lubigan ang magsusumite ng kanilang reply.
Sa November 15 naman magsusumite ng kanilang rejoinder ang respondents at pagkatapos nito ay submitted for resolution na ang kaso.
Hindi naman sumipot sa pagdinig si Trece Martires, Cavite Mayor Milandres de Sagun at ang kanyang abogado lamang ang nagsumite ng kanyang counter-affidavit na pinanumpaan niya sa Muntinlupa prosecutor.
No show din sa hearing sina Ariel Paiton, ang sinasabing gunman, at Luis Abad, Jr., na sinasabing nagdrive ng getaway vehicle na ginamit sa pagpatay kay Lubigan.