ITINUTULAK | Pantawid kuryente, iginiit ng isang kongresista para maibsan ang epekto ng TRAIN

Manila, Philippines – Itinutulak ni 1-CARE Partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta na magpatupad ng Pantawid Kuryente Program sa gitna ng ipinapatupad na TRAIN Law.

Ayon kay Uybarreta, kung may Pantawid Pasada para ayuda sa mga pampasaherong jeep, higit na napapanahon ngayon ang Pantawid Kuryente lalo pa’t tumaas din ang singil sa kuryente.

Inirekomenda ng mambabatas ang pagbibigay ng P500 na pantawid kuryente para sa mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga nasa liblib na lugar.


Dahil fuel based ang pinagkukunan ng kuryente ay apektado ito ng TRAIN Law.

Iminungkahi na noon ng 1-CARE na idagdag sa 4Ps ang Pantawid Kuryente pero mas pabor na silang idiretso na lamang ang pondo sa distribution utilities para tiyak na maibabayad sa kuryente.

Facebook Comments