Itlog, Manok at Sakong Bigas, Natanggap ng higit 200 Magsasaka sa Sagada

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang bilang na 250 beneficiaries mula sa iba’t ibang barangay ng Sagada, Mt. Province ang nakatanggap ng cash at food assistance na kabilang sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Mismong ang Municipal Agriculture Office at Sagada MultI-Purpose Cooperative ang namahagi ng tulong sa mga local farmers sa pamamagitan ng Department of Agriculture Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolk (CFSMFF) Program.

Kaugnay nito, tumanggap ng P3,000 cash bawat isa at P2,000 worth of food assistance gaya ng 25 kilograms ng bigas, dalawang tray ng itlog na puti at dalawang buo ng dressed chicken.


Sa kasalukuyan, tanging ang food assistance lang ang naipamahagi habang hinihintay ang release ng pondo para sa mga benepisyaryo.

Kabilang sa Bayanihan to Recover as One Act ang nasabing pondo gayundin ang Social Protection and Social Amelioration Projects sa ilalim ng Stimulus Package para sa Pagsasaka.

Layunin ng programa na makapagbigay ng subsidiya sa mga mangingisda at magsasaka na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments