ITUTULAK | Senate hearing sa kontrobersyal na PNP patrol jeeps, isinulong ni Senator Poe

Manila, Philippines – Itutulak ni Senator Grace Poe na imbestigahan ng Senado ang pagbili ng Philippine National Police o PNP ng depektibong Mahindra patrol jeeps na nagkakahalaga ng mahigit 1.89 billion pesos.

Ang hakbang ni Senator Poe ay kasunod ng report ng Commission on Audit na talo ang PNP sa pagbili ng halos 1,900 units ng mahindra vehicles dahil depektibo ang mga ito, walang spare parts at wala ding service centers dito sa Piliinas.

Giit ni Senator Poe, kailangang mapanagot ang mga opsiyal ng PNP na nasa likod ng nabanggit na iregularidad.


Ayon kay Poe, ang report ng COA ay nagpatibay sa inihayag nyang pagkabahala noong 2014 kaugnay sa tila inayos na terms of reference ng bidding para sa PNP patrol jeeps para pumabor sa Mahindra.

Tinukoy pa ni Poe na nagresulta ito sa diskuwalipikasyon ng maraming mas kilalang kumpanya na may track record at service centers sa buong bansa.

Facebook Comments