Ivatan Beer na gawa sa ‘Sweet Potato’,Ibibida

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang ipagmalaki ang gawang Ivatan na klase ng Beer matapos ang ginawang Technology Licensing Agreement sa pagitan ng Batanes State College (BSC), kung saan binuo ang produkto noong nakaraang linggo at gawin ang contract signing ceremony na pinangunahan ng Department of Science and Technology-Regional Office 2.

Sabay na lumagda sa kasunduan si BSC president Dr. Alfonso R. Simon at Tawsen Agri Ventures na pagmamay-ari ni Dennis Lim para ipasa ang Ivatan Beer production technology sa local-based business makaraang maglabas ng Fairness Opinion Report ang DOST region 2 para sa ilang terms and condition ng kasunduan.

Ayon kay Dr. Simon, ang Ivatan Beer ay gawa sa ‘wakay’ o Sweet Potato, kung saan mayaman dito ang probinsya ng Batanes.


Aniya, higit na nakakaakit para sa mga Ivatan ang naturang produkto.

Matatandaang noong nakaraang taon ng buwan ng Setyembre ng lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng BSC at Tawsen Agri Venture para sang-ayunan na gawing komersyal ang nasabing produkto.

Ang Ivatan Beer ay binuo ng BSC at Provincial Science and Technology Center (PSTC) na tumanggap ng P400,000 na pondo mula sa DOST region 2 noong taong 2018 at nagsimulang ibida taong 2019.

Nasa 330ml ang Ivatan Beer na una at tanging local brew na serbesa sa Batanes, ay nagkakahalaga ng P95.00 hanggang P100.00 kada bote nito.

Facebook Comments