Inihayag ng Malakanyang na nakapagsumite na ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin para sa compassionate use permit.
Sa gitna ito ng pagpuna ng mga senador at ilang eksperto sa paggamit ng Ivermectin sa mga pasyente na may COVID-19 at umano’y pagsang-ayon dito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi pa aprubado ni Pangulong Duterte ang nasabing produkto dahil kailangan pa nitong dumaan sa compassionate use permit para magamit sa tao.
Tanging ang mayroon lang kasi ang FDA ay ang permit na magamit ang Ivermectin sa mga hayop na nakakaranas ng parasitic disease.
Sa ngayon, kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na malalaman na nila ngayong linggo ang resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa Ivermectin.