IWAS PELIGRO | Office of the Court Administrator ng Korte Suprema, may rekomendasyon na para mailipat sa Metro Manila ang paglilitis sa kaso ng Mamasapano encounter

Manila, Philippines – Nagsagawa na ng rekomendasyon ang Office of the Court Administrator (OCA) para mailipat sa Metro Manila ang pagdinig sa kaso ng pagpatay sa SAF 44.

Partikular ang kasong direct assault with murder laban sa 88 akusado sa pagpatay sa mga miyembro ng PNP -Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Layon ng rekomendasyon ni Court Administrator Jose Midas Marquez na huwag malagay sa peligro ang kaligtasan ng mga testigo.


Ang rekomendasyon ni Marquez ay pagpapasyahan naman sa Supreme Court En Banc.

Ang naturang kaso ay nakabinbin ngayon sa Regional Trial Court Branch 15 sa Maguindanao.

Facebook Comments