IWAS PUSOY | Mga SC officials, nagturuan sa pag-hire sa IT consultant ng Korte Suprema na may mas mataas na sahod kumpara kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Sa ika-sampung pagdinig para sa pagdetermina ng probable cause sa impeachment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, nagturuan ang mga opisyal ng Korte Suprema sa proseso ng pag-hire kay IT Consultant Helen Macasaet na sumasahod ng P250,000 kada-buwan.

Sinabi ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva na Chairman din ng Bids and Awards Committee on consultancy services ng Supreme Court na hindi niya nilagdaan ang pagkuha ng serbisyo ni Macasaet.

Katwiran nito, ang procurement entity ang nag-negotiate nito sa pamamagitan ng Management Information Office ng tanggapan ng Chief Justice.


Dumaan sa pamamagitan ng negotiated procurement ang pagkuha kay Macasaet kung saan maaaring makipag-usap direkta ang procurement entity sa nais nitong consultant.

Binibigyang bigat sa pagkuha ng consultant ang trust and confidence at dahil highly technical ang position ay hindi na kailangan dumaan ito sa bids and awards committee.

Hindi naman masagot ni Villanueva kung sino ang lumagda sa pagkuha ng IT consultant dahil ito ay pending na kaso sa Supreme Court na kanila ding kasalukuyan na inaalam.

Facebook Comments