Manila, Philippines – Bagama’t masaya ang Department of Health sa pagkaka- certified as urgent ng Universal Health Care (UHC) bill sa Kongreso, sinabi ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III, na nais nilang mas taasan pa ang buwis sa tobacco product na siyang pagmumulan ng pondo ng nasabing programa ng pamahalaan.
Ayon kay Sec Duque, win-win solution ang pagtataas sa sin taxes, dahil bukod sa lalaki ang pondo na mapagkukunan ng UHC bill, kokonti naman ang mga maninigarilyo dahil sa taas ng presyo nito.
Dahil dito, ayon sa kalihim, mababawasan rin ang mga magkakasakit dahil sa paninigarilyo, at ‘yung mga nakakalanghap ng second hand smoke.
Magadang balita ito pagnagkataon dahil ayon sa kalihim, target ng DOH na pagsapit ng 2025 ay mapababa ang populasyon ng mga naninigarilyo.
Sa ilalim ng Universal health care bill, titiyakin na lahat ng mga Pilipino ay naka enroll at covered na ng Philhealth.