MANILA – 52 days bago ang Pasko, nagpaalala na ng Bureau of Fire Protection ang publiko na mag-ingat sa binibiling Christmas lights at paggamit ng mga electrical devices na pagmumulan ng sunog.Sa interview ng RMN kay BFP Deputy Spokesperson Chief Inspector Ian Manalo, upang maging ligtas sa sunog ang iyong kapaskuhan, kailangan na alam ng publiko ang mga sub-standard na christmas lights na ibinibenta sa murang halaga.Giit ng opisyal, bago bilhin ang nasabing dekorasyon sikaping tignan ng mabuti ang produkto kung may Import Commodity Clearance (ICC) na nakamarka na patunay na ito ay tumutugon sa standards at ligtas na gamitin.Ngayong taon, mas pai-igtingin pa ng BFP ang kampanya hinggil sa pagtuturo sa mga komunidad hinggil sa fire safety lalo na ang paggamit ng christmas lights.
Iwas Sunog Tips Ngayong Kapaskuhan, Ipinaalala Ng Bureau Of Fire Protection
Facebook Comments