Iza Calzado, nagdonate ng kanyang plasma matapos gumaling sa COVID-19

Masayang nakapag-donate ang aktres na si Iza Calzado ng kanyang plasma sa Philippine General Hospital (PGH) para makatulong sa COVID-19 patients.

Ito ang kinumpirma ng aktres sa kanyang Instagram noong Biyernes kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day at kaarawan ng kanyang ina kaya’t mahalaga raw ang araw na ito para sa kanya.

Dagdag pa ng aktres, bilang isang COVID-19 survivor, ito ang kanyang paraan para makatulong sa kapwa ngayong may COVID-19 pandemic.


Sinabi rin ni Iza na napaiyak siya dahil pinatugtog pa ng doktor ang kantang “Bayan Ko”.

Matatandaan na isang COVID-19 survivor si Iza matapos itong tamaan ng nakahahawang sakit noong March 28.

Facebook Comments