Jail officer, arestado sa panggagahasa

100

Kulong ang isang jail officer matapos ireklamo ng panggahasa ng isa sa kanyang mga boarders.

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang jail officer na si Ramon Carolino na Deputy warden ng Taguig City Jail at may ari ng boarding house na inuupahan ng biktimang si “Alexa”, 26 taong gulang.


Batay sa imbestigasyon ng NBI, naghuhugas ng kamay sa kusina ang biktima nang lapitan ng lasing na suspek.

Dito ay tinutukan siya ng baril at tinakot kung hindi pagbibigyan ang gusto.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang alegasyon pero nasa kustodiya na ito ngayon ng NBI.

Nahaharap na kasong rape ang nasabing suspek.




Facebook Comments