Jake Zyrus – may bagong inspirasyon sa buhay

Showbiz – Apat na buwan matapos ang breakup sa longtime girlfriend at kapwa singer na si Alyssa Quijano, nagpahiwatig si Jake Zyrus na may bago na siyang inspirasyon.

Nag-post kasi si Jake Zyrus ng sweet picture nila ng babaeng nagngangalang Shyre Aquino na sinasabing isang nutritionist at fitness instructor.

Caption ng 25-year-old pinay singing sensation sa naturang larawan, “si Shyre ang dahilan kung bakit minahal niya ang kanyang sarili at natutong dedmahin ang mga kritiko”.
Inilarawan niya ang usap-usapang bagong girlfriend bilang “patient, funny and humble.”


Facebook Comments