Jameson Blake, humingi ng tawad sa mga na-offend niyang graphic artists

Naging usap-usapan ang post sa Twitter ng Hashtags member na si Jameson Blake noong July 4 kung saan naghahanap siya ng willing gumawa ng cover photo para sa kanyang social media accounts. Kapalit daw nito ay ang “shout out” niya sa mapipiling graphic artwork.

Maraming graphic artists ang hindi natuwa sa kaniyang tweet at hindi raw dapat “shout out ” ang kapalit kundi ay bayaran niya ang gagawa ng kaniyang cover photo.

Dahil dito kinabukasan din ay humingi ng tawad si Jameson at hindi naman daw niya inaasahang magiging isang malaking usapin ito.


Nilinaw rin niya na nais lamang niyang makatulong sa pagpromote ng artwork ng artist na mapipili niya sa pamamagitan ng shout out. “I apologize to all the graphic designers thinking I’m trying to degrade their art work for something little as a ‘shout-out’ I know graphic designing isn’t an easy job and it requires a lot of work.”

www.instagram.com/p/Bk2MwfdH7Pn/” data-instgrm-version=”8″ style=” background:#FFF; border:0; border-radius:3px; box-shadow:0 0 1px 0 rgba(0,0,0,0.5),0 1px 10px 0 rgba(0,0,0,0.15); margin: 1px; max-width:658px; padding:0; width:99.375%; width:-webkit-calc(100% – 2px); width:calc(100% – 2px);”>


Sinuportahan naman si Jameson ng kapwa niya Hashtags member na si Jon Lucas. Ayon sa kanya “Makapag-trending lang ng ibabash eh, haaaaays! Unawa muna bago husga.”

Nabura ang tweet niyang ito at nagtweet siya ng panibago. “Yung willing lang naman daw.”

Facebook Comments