Pinatutsadahan ng apo ni Nora Aunor na si Janine Gutierrez si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto sa pagpabor sa kontrobersyal na anti-terror bill.
Sa Twitter nitong Huwebes, bagaman hindi nagbanggit ng pangalan, kinuwestiyon ng aktres ang mambabatas na bumoto ng “yes with reservations” sa nasabing panukala, na inaprubahan na ng House of Representatives noong Miyerkules.
“Kung ‘yes with reservations’ ang nararamdaman mo, hindi ba dapat mag ‘no’ ka nalang hanggang masolusyonan o matanggal ang mga bagay na ikinababahala mo?” punto ni Gutierrez.
Kung "yes with reservations" ang nararamdaman mo, hindi ba dapat mag "no" ka nalang hanggang masolusyonan o matanggal ang mga bagay na ikinababahala mo?
— 🌺JANINE (@janinegutierrez) June 3, 2020
Binatikos din si Santos ng madla na nagpaalala sa kanya ng mga ginanapang karakter sa ilang pelikula tungkol sa aktibismo noong panahon ng martial law, tulad ng “Dekada ’70” at “Sister Stella L”.
Dumipensa naman ang anak ng mambabatas na si Luis Manzano na naglabas din sa Twitter ng pahayag ng kanyang ina sa usapin.
“I am not a principal author of House Bill 6875. I’m in favor of it WITH RESERVATIONS. I have concern about the country’s national security policy.
“I just hope that the law enforcement agencies will implement it in accordance with the Constitution, full respect to human rights and without any abuse whatsoever,” paliwanag ni Santos.