Panghoholdap sa Gasolinahan, Isa Sugatan!

Reina Mercedes, Isabela – Patuloy ang isinasagawang hotpursuit operation para matukoy at madakip ang mga suspek kaugnay sa nangyaring bigong panghoholdap sa isang gasolinahan na ikinasugat ng isang sekyu matapos itong mabaril sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan pasado alas 3:00 kaninang madaling araw sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, nagpanggap ang mga suspek na magpapagasolina lulan ng motorsiklo nang magdeklara ng holdap ang backrider nito sa empleyado ng gasolinahan na kinilalang si Joy Lagrio subalit agad na nakahingi ng saklolo ang naturang empleyado sa kanilang gwardiya na agad namang nagresponde na agad namang binaril ng isa sa mga suspek.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga ito sa di matukoy na direksyon na bigong makuha ang napagbentahan ng gasolinahan dahil sa nangyari.


Masuwerte namang nakaligtas ang sekyu sa kamatayan na kinilalang si Julius Tuppal, 21 anyos na residente ng District 1 sa nasabing bayan matapos na rumesponde ang mga kapulisan.

Sa ngayon ay nagpapagaling sa isang pagamutan naturang biktima

Facebook Comments