Humingi ng paumanhin ang Japanese convenience store chain na FamilyMart matapos mag-viral ang video ng mga nagtatakbuhang daga sa loob ng isang branch nito.
Sinabi rin ng FamilyMart, na may higit 14,000 stores sa Japan, na ipinasara na muna ang branch sa Shibuya district, Tokyo kung saan nakuhanan ang nasa anim na daga sa loob ng shop.
Kita sa isa sa mga kumalat na video ang mga dagang nagtatakbuhan sa ibabaw ng refrigerator bago magpatihulog at tumakbo sa sahig.
渋谷のコンビニ店内をネズミが動き回る動画が拡散! 「うちの店も!」と他店バイトらも名乗りを上げる事態に!! pic.twitter.com/tgGS4QUe2k
— とろろ (@ooananeraidesu) August 6, 2019
Sa isa pang video, nakuhanan naman ang dalawang daga na gumagapang sa lagayan ng mga tinapay.
渋谷某所のコンビニ
やばすぎ
ネズミにパンとかいろいろ商品落とされてたし、、 pic.twitter.com/Xpk8ZHkC9C— あん (@fD7vpP8G5tE8Nav) August 1, 2019
Ayon sa NHK, isa sa mga video ay umabot na sa higit 5 million views mula nang maipost sa Twitter at YouTube nitong Martes.
“We deeply apologise for making customers feel uncomfortable and uneasy,” pahayag ng FamilyMart sa kanilang website.
Sinabi rin ng kompanya na mananatiling sarado ang branch habang sinisira ng awtoridad ang mga stock at pinag-aaralan ang dahilan ng pamumutakte.
“We will consider the possibility of resuming operations in consideration of the surrounding environment of the store,” dagdag nila.
Isa sa mga reputasyon ng Japan ang kalinisan, ngunit kamakailan lang ay nag sunud-sunod ang mga video na nagpapakita ng poor hygiene ng ilan sa mga food provider sa bansa.
Noong Pebrero, isang empleyado ang tinanggal ng FamilyMart matapos mag-viral ang video nito na dinidilian ang ilan sa mga pagkain.
Sa parehong buwan, pinatalsik din ang dalawang empleyado naman ng 7-Eleven matapos dumura ang isa sa kanila sa oden hotpot habang nagvivideo naman ang isa.
Kasunod nito, nag-viral din ang isang chef sa Kara Sushi na nagtapon ng isda sa basurahan bago ito kunin ulit at hiwain.