Magdadaos ng isang state funeral ang Japan para sa dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos bumugso ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang world leaders.
Ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nakatakda itong gawin sa darating na autumn o taglagas upang ipakita na hindi sila papatinag sa karahasan at desidido itong protektahan ang demokrasya.
Mababatid na nagsagawa na ng private funeral para sa pamilya ni Abe at ilang malalapit na indibidwal ngayong linggo sa Tokyo Temple.
Ito na ang ikalawang pagkakataon magdaraos ng state funeral ang Japan matapos ang World War II kung saan una itong ginawa para sa pag-alala kay dating Prime Minister Shigeru Yoshida noong 1967.
Si Abe ay binaril sa kalagitnaan ng kaniyang talumpati habang nangangampanya sa Nara, Japan ng suspek na si Tetsuya Yamagami na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.