Japan posibleng magbgay tulong sa mga tinamaan ng lindol sa Mindanao

Posibleng magpaabot ng pakikisimpatya ang Japan sa Pilipinas kaugnay sa naranasang pagtama ng lindol sa Mindanao nitong mga nakalipas na linggo.

 

Ito ang sinabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez bago ang nakatakdang bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe ngayong hapon.

 

Ayon kay Secretary Dominguez, posible ring magpaabot ng tulong ang Japan sa Pilipinas.


 

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ang relasyon ng dalawang bansa partikular sa usapin ng infrastructure projects ay nananatiling on track.

 

Tinitiyak aniya nila ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng regular scheduled meeting sa pagitan ng economic teams ng Pilipinas kasama ang Office of the Prime Ministers ng Japan, kada tatlo o apat na buwan.

 

At susunod aniyang nilang pulong ay nakatakta sa Disyembre.

 

Ang mga ganitong koordinasyong aniya ay pinabibilis lamang ang approval at implementasyon ng mga proyekto.

 

Sinabi rin ng kalihim na sa kasalukuyan ah hindi pa niya batid kung mayroong mga bagong inisyatibo.

 

Gayunpaman, positibo ito na ico- confirm ng Japan na on track ang mga proyekto at ang mga pondo mula sa Japan ay available.

Facebook Comments