Japanese gov’t handang tumulong sa mga biktima ng lindol sa Pampanga

Nagpahayag ng kahandaan ang gobyerno ng Japan sa pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Pampanga.

Ayon kay Ambassador Koji Haneda, saka-sakaling kailanganin ng Pilipinas ng tulong mula sa international community ay nakahanda anila silang tumugon.

Ito man ay tulong pinansyal o mga eksperto na tutulong sa retrieval operations.


Una dito nagpaabot ng pakikiramay at simpatya si Haneda sa mga naulilang pamilya ng lindol.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sumampa na sa 17 ang nasawi, hindi bababa sa 80 ang sugatan habang nasa 14 na katao pa ang nawawala.

Facebook Comments