Jason Abalos, emosyonal na ipinahayag ang kritikal na lagay ng kanyang Lola

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, nagbalik tanaw sa mga masasayang alaala kasama ang kanyang lola si Jason Abalos matapos itong ma-ospital.

Mula nong tuesday bumabalik sa akin ang mga alala namin maglola, kasabwat niya ako sa pag taya ng jueteng na tinatago namin kay Lolo. Ako utusan niya para mag pabili sa tindahan, gusto ko naman dahil sa akin na ang sukli. Pag fried chicken ang ulam una niya, ako binibigyan minsan dalawang piraso pa na dapat tigitigisa lang. Tumira kami sa kanila nong mga bata pa kami dahil wala pa kami sarileng bahay. Nong nag college na ako at naka bukod na kami sa kanila ako umuuwi pag sabado at linggo para mag laba ng damit pamasok sa school at dahil din dinadagdagan nya ang weekly allowance ko, di naman nya ako paborito, gusto lang nila ni Lolo sa mga apo na gusto makatapos ng pag aaral. Hangang sa naka tapos ako ng college, tapos napunta sa showbiz. Bihira ko na sya madalaw, madalas dadaan na lang ako pag uuwi ako sa amin sa Pantabangan at dadaan na lang ulet pag babalik na ako ng manila. 13yrs na ako sa showbiz ganon na lang naging kwento namin, totoo pala na nasa huli ang pagsisi na pag wala ka ng pag kakataon tsaka mo sasabihin “sana” o kaya “dapat”. Nasa ICU na kasi siya ngayon, may namumuong dugo sa ulo, kung ooperahan daw baka di na kayanin ng edad niya (93yrs). Kinausap ko siya habang nakahiga, alam ko narinig nya ako dahil nakita ko lumuha siya. Sana nasabi ko ung mga sinabi ko nong alam ko kaya niya pa sumagot at sana nayakap ko siya nong panahon na pwede niya pa ako yakapin. Nililibang ko lang sarile ko ngayon di ko din alam kung ano mararamdaman.. narinig niyo na to at narinig ko na din, wag niyo na lang hintayin na pagsisihan niyo gaya ng nangyayari sa akin ngayon na wala na ako magawa pag iniisip ko na “gusto ko makasama siya, madami kasi ako kwento, madami ako gusto sabihin, gusto ko din siya yakapin” sa isang banda nasa Panginoon ang pasya at nagtitiwala ako sa mga desisyon niya. “Panahon” 🙏🏼🙏🏼🙏🏼

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on


Ayon kay Jason, nasa kritikal na kalagayan ang kanyang lola habang nasa ICU dahil sa namumuong dugo nito sa ulo. Dagdag pa ng aktor ay may posibilidad na hindi na nito kayanin ng kanyang lola dahil na rin sa edad nitong 93 yrs. old.
Humihingi din ng sorry ang aktor sa kanyang lola dahil sa bibihira na lamang niya ito mabisita simula noong maging artista siya. Aniya, nasa huli ang pagsisisi na kung saan ay nasabi niya sana ang kanyang mga mensahe sa kanyang lola noong kaya pa nito sumagot.
Dagdag pa ni Jason, “‘Wag niyo na lang hintayin na pagsisihan niyo gaya ng nangyayari sa akin ngayon na wala na ako magawa pag iniisip ko na ‘gusto ko makasama siya, madami kasi ako kwento, madami ako gusto sabihin, gusto ko din siya yakapin’ sa isang banda nasa Panginoon ang pasya at nagtitiwala ako sa mga desisyon niya.”


Facebook Comments