Ipatutupad na anumang oras ni Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno ang batas tungkol sa jaywalking sa Maynila matapos nitong masaksihan ang daloy ng trapiko sa Lawton alas-9 kagabi.
Sa Manila City Hall ay nakita ng alkalde ang kawalan ng disiplina at hindi pagsunod ng mga tao sa tamang tawiran at antayan ng mga sasakyan.
Sinabi niya na ang mga pasaherong ito na nagkalat sa kalsada ang nagdudulot umano ng masikip na daloy ng trapiko sa nasabing parte ng lungsod.
Samantala ilang mga motorista at tsuper din ang nasita at nakuhanan ng mga lisensya dahil sa gitna pa mismo ng kalsada nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero.
“Ang susi ng tagumpay ng pamahalaan, pamamahala ay pakiisa at pagkusa ng taumbayan sa sariling disiplina.Wala na po akong choice, kailangan na po natin ng disiplina kaya ipaptupad na natin ang batas sa jaywalking” pahayag pa niya.