Manila, Philippines – Mahigpit nang ipapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang speed limits sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Ito’y matapos sumalpok ang isang pampasaherong jeepney sa isang poste sa Marcos Highway, Antipolo, Rizal na ikinasugat ng mahigit 26 katao.
Sa ulat, galing Cogeo at papu*n*tang Cubao ang jeep na minamaneho ni Erwin Doroño nang mangyari ang insidente.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra – matagal nang inirereklamo ang mga ‘patok’ na jeep o yung mga humaharurot at nakikipagkarera sa kalsada.
Itinanggi naman ng driver na matulin siyang magmaneho at maliit lamang ang kalsada kung kaya’t hindi siya naka-bwelo at hindi nakapagpreno.
Pinag-aaralan na rin ng LTFRB na kanselahin ang prangkisa ng naaksidenteng jeep.