Jeepney phase out policy, ipinababasura

Ipinababasura ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa pamahalaan ang jeepney phase out policy nito.

 

Giit ni Zarate, ang jeepney ay hindi lamang Philippine icon kundi source ng hanapbuhay ng maraming Pinoy.

 

Malaking dagok din umano sa ekonomiya kung aalisin ang mga pampasaherong jeep dahil wala namang alternatibong episyenteng mass transport system sa bansa.

 

Ang mga jeep aniya ang pumupuno sa kakulangan sa mas madali at mas murang transportasyon para sa milyon-milyong commuters.

 

Ayon kay Zarate, para matulungan ang mga jeepney operators at drivers ay maaaring magbigay ng ayuda ang gobyerno sa mga ito para i-modernize o ayusin ang kanilang mga unit.



Facebook Comments