Jimmy Alapag, kinuha ng San Miguel Beermen para maiging isa sa mga staff ni Coach Leo Austria

204

Manila, Philippines – Ipinakilala na ngayon ng San Miguel Beermen si Jimmy Apalag bilang isa sa mga staff ni Coach Leo Austria bago pa mang magsimula ang 2019 PBA Philippine Cup.

Makakasama ni Alapag ang iba pang bataan ni Austria na sina Peter Martin, Dayong Mendoza, Boycie Zamar, Biboy Ravanes, Jorge Gallent at Ato Agustin.

Naniniwala si Coach Leo na malaki ang mabibigay na tulong ni Jimmy lalo na at malayo na ang naabot nito bilang coach kung saan nagawa niyang makuha ng Alab Pilipinas ang kampeonato sa Asean Basketball League noong nakaraang taon.

Matatandaan din na dati siyang naging assitant ni Tab Baldwin sa Gilas Pilipinas at naging team manager din ng TNT matapos siyang maigng player ng Katropa at Meralco.

Facebook Comments