Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cagayan Police Provincial Office, may anim na miyembro ng Communist Terrorist Group, dalawang supporters nito; sampung miyembro ng Anak-pawis, at isang miyembro rin ng Militiang bayan ang nahikayat na mag balik loob na sa gobyerno.
Pinangunahan ng PNP Lasam ang paghikayat sa isang miyembro ng CTG na kinilalang si alyas Jelai, 48 taong gulang na siyang tagahikayat sa mga kabataan para maging miyembro ng kilusan.
Isa pang CTG member ang napasuko sa bayan pa ng Lasam na kinilalang si alyas Jane, 46 taong gulang ang napasuko naman ng 3rd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Napasuko rin ng mga awtoridad sila si alyas Rob, 48 anyos, miyembro ng CTG at nagsisilbing pasabilis ng grupo; at si alyas Domeng na nagsauli rin ng isang “rifle grenade” sa 2nd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Boluntaryo naman sumuko sina alyas Nora sa PNP Abulug at si alyas Carla naman sa PNP Sta. Teresita.
Bukod pa sa kanila, si alyas Jovanie naman ay isa lamang supporter ng CTG at nagsilbi naman bilang “foodrunner” ng kilusan ay napasuko ng PNP Alcala habang si alyas Romeo, 48 taong gulang ay isang ring CTG supporter na napasuko naman ng PNP Aparri.
Sampung mga miyembro naman ng Anak-Pawis ang tuluyang pinutol ang kanilang suporta sa makakaliwang grupo.
Ito ay kinilalang sina alyas Juvy, 27 taong gulang; alyas Toni, 60 taong gulang;alyas Thelma, 60 taong gulang; alyas Meynard, 48 taong gulang; alyas Iya; alyas Devon; alyas Filomena, 70 taong gulang, alyas Hazel, alyas Ayo, 35 taong gulang; alyas Lita, 32 taong gulang.
Isang miyembro naman ng Militiang Bayan ang napasuko muli ng 2nd Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company kasama ang PNP Camalaniugan. Ito ay kinilalang si alyas Jomelan, 65 taong gulang.
Batay sa salaysay ng mga sumuko, nagpasya silang umalis at tuluyang putulin ang kanilang ugnayan sa teroristang grupo upang makapamuhay na ng tahimik at mamuhay ng normal kasama ang kani-kanilang mga pamilya.
Ang pagsuko ng mga 19 indibidwal ay nagresulta ng mga kampanya kaugnay sa Executive Order 70/National Task Force End Local Communist Armed conflict (NTF-ELCAC) ng pamahalaan ng Cagayano Cops.