PhilPost, nagbabala sa publiko kaugnay ng bagong online scam

291

PhilPost, nagbabala sa publiko kaugnay ng bagong online scam

Kinumpirma ng Philippine Postal Office o PhilPost na scam o panloloko ang quiz game na umiikot ngayon sa social media.

Nilinaw ng PhilPost na hindi sila namimigay ng financial aid.


Hindi rin aniya nila gagawin ang tumawag, mag-txt o mag-email at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad sa anumang email link para makapag-claim ng anumang package.

Ang nasabing public announcement ng PhilPost ay kasunod ng link na kumakalat ngayon sa social media kung saan kailangan lang sagutan ang apat na katanungan at may tsansa na raw na manalo ng ₱7,000 na ayuda at maki-claim ito kapag na-share ang link sa ibang tao.

Facebook Comments