JOB FAIR | 5 libong trabaho, inihahanda ng DOLE sa anibersaryo ng People Power Revolution

Manila, Philippines – Kasabay ng ika 32nd anibersaryo ng People Power Revolution ay maglulunsad ng limang libong Trabaho, Negosyo at Kabuhayan ang Department of Labor and Employment sa darating na linggo sa Quezon City.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hinikayat nito ang mga naghahanap ng trabaho na magtungo lamang sa Quezon City Hall grounds sa darating na February 25 at samantalahin ang alok ng DOLE ang 5 libong Local at Overseas jobs na dadaluhan ng 15 ibat ibang employers at recruitment agencies.

Paliwanag ng kalihim maliban sa job fairs magkakaroon din magkasabayang pamamahagi ng iDOLE OFW cards kasabay ng naturang okasyon.


Dagdag pa ni Bello na DOLE National Capital Region, ay mayroong 442 na bakanteng trabaho na iniaalok ng local employers para sa positions na naghahanap ng sales associate, management trainee, cashier/counter checker, accounting assistant, graphic artist, account sales executive, helper, IT programmer, sales administrative assistant, buyer, carpenter, installer, mechanical engineer, merchandising assistant, painter, and plumber.

Sa kasabay na okasyon ang Philippine Overseas Employment Administration 5,000 job orders ang iniaalok ng 10 participating recruitment agencies sa bansa.

Kabilang ang mga bakanteng trabaho ang positions na hinahanap ay waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, pipefitter/plumber, carpenter, driver, factory worker, sales staff, programmer, air traffic controller, barista, laborer, and cook.at ang bansang nangangailangan ng naturang position ay ang Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan, at Malaysia.

Pinaalalahan ni Bello ang mga applicants na magdala lamang ng mga requirements gaya ng resume or curriculum vitae (bring extra copies for multiple job applications); 2 x 2 ID pictures; at certificate of employment para sa mga dati nilang employer; diploma or transcript of records; at authenticated birth certificate.

Facebook Comments