Ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naging matagumpay ang isinagawang 2019 Kalayaan Fair na may temang “Tapang ng Manggagawa, Malasakit sa Mamamayan na pinangunahan ng NHCP, DOLE, POEA at Manila City Government.
Ayon kay Bello umaabot sa 6,441 Local Employeers at 6,000 Overseas Employment ang kabuuang bakante na trabaho kung saan lumahok din maging ang ibat ibang ahensiya ng gobyerno na nangangailangan ng 7,357 na bakanteng trabaho sa BIR, DSWD, NCRPO, MMDA, PAF, PA at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Paliwanag ni Bello nagkulang ng mga Laborer sa mga programa ng pamahalaan na Build Build Build dahil karamihan sa mga Construction Worker ay nangingibang bansa.
Dagdag pa ng kalihim na maraming Job Vacancies sa bansa pero ang problema aniya ay maraming nag aaplay ng trabaho na hindi akma ang kanilang kapasidad sa inaaplayan nilang trabaho.