JOB OPENING | Higit 300 Pinoy nurse, in-demand sa Germany

Manila, Philippines – Nasa 350 mga pinoy nurse ang kailangan sa bansang Germany.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Deputy Administrator Jocelyn Sanchez, dapat ay may halos dalawang taong karanasan sa Intensive Care Unit (ICU), General, Medical at Surgical Ward, Geriatric Care, at Operating Room ang kailangan sa Germany.

Aniya, babayaran ng employer ang Visa at pamasahe patungo sa bansa.


Makakatanggap aniya ng starting monthly salary of na 1,900 euros o P114,000 ang mga matatanggap na Nurse na pwedeng umabot sa 2,300 euros o p138,000 kapag nasertipika bilang Qualified Nurse.

Ang sinumang makakapasok ay dadaan sa pagsasanay sa wikang German.

Sa mga interestadong kumuha ng trabaho sa Germany, puwedeng magparehistro sa website ng POEA.

Kailangan naman personal na magtungo sa tanggapan ng POEA sa Mandaluyong para sa pagsumite ng lahat ng papeles.

Facebook Comments