Humingi ng paumanhin ang radio host at kolumnistang si Jobert Sucaldito kaugnay sa ‘insensitibong’ komento niya kay Nadine Lustre.
Binatikos ng publiko ang ‘suicide remark’ ng showbiz writer matapos niyang punahin ang aktres hinggil sa reaksyon nito sa artikulong “hiwalay” na sila ni James Reid.
“I would like to apologize to Ms. Nadine Lustre and to those who got bothered by that sa aspetong ito. I am also apologizing to my radio network DZMM for putting them in discomfort because of this,” pahayag ni Jobert na inilabas ng ABS-CBN News nitong Miyerkoles, Enero 8.
(READ: ABS-CBN News, iniimbestigahan si Jobert Sucaldito sa ‘insensitive comment’ kay Nadine Lustre)
Sa parehong araw, inanunsyo ni ABS-CBN Integrated News and Current Affairs chief Ging Reyes na paiimbestigahan ng pamunuan si Sucaldito at sinigurong hindi kukunsintihin ang naturang pagkakamali.
Nilinaw din ni Reyes na may pananagutan ang mga mamamahayag sa bawat opinyong binibitiwan on-air.
Nag-trend din sa Twitter ang hashtag na #SuicideIsNotAJokeJobert bilang pagkondena ng netizens sa pabirong atake niya hinggil sa usapin ng mental health.
(READ: Jobert Sucaldito, binatikos ng publiko dahil sa ‘suicide joke’ kay Nadine Lustre)
Nagsimula ang isyu matapos banatan ni Lustre ang beteranong manunulat na si Ricky Lo na kinumpirma ang hiwalayan at sinabing maayos itong dinadala ni Reid dahil sa “mental illness” na kinakaharap daw ng una.