Joe Biden Presidency, makakatulong sa Pilipinas

Naniniwala si Albay Rep. Joey Salceda na makakatulong at mainam para sa ekonomiya ng Pilipinas ang Joe Biden Presidency.

Una rito, ang pagiging Pangulo ni Biden ng Estados Unidos ay magreresulta sa pagpapalakas ng US stimulus kung saan malaki ang magiging pakinabang ng bansa dahil ang US ay isa sa mga malalaking trade partners, export markets at investors ng Pilipinas.

Malaki rin ang posibilidad na ibalik muli ni Biden ang magandang relasyon nito sa mga US allies tulad ng Pilipinas at mas malaki ang tsansa na magkaroon tayo ng access sa COVID-19 vaccines.


Bukod dito, mapapaigting din ang international aid kung saan mas mapapalakas ang mga oportunidad sa pagpapanumbalik ng US-Philippine cooperation.

Pagdating sa financing ay mamamana ni Biden ang US International Development Finance Corporation na may $60 billion na capital at posibleng agresibong gamitin ito ni Biden para makipag-compete sa investment at aid ng China kung saan parehong mapapakinabangan ng bansa at ng buong ASEAN.

Inaasahan din na magiging mas bukas ang Estados Unidos sa trade, katiyakan sa global economy at geopolitics partikular na sa usapin ng West Philippine Sea gayundin sa muling pagsali ng US sa Paris Agreement.

Facebook Comments