Joint maritime at air patrols ng tropa ng Pilipinas at Amerika, umarangkada na

Magkasabay na nagpapatrolya sa karagatan at himpapawid ng bansa, ang pwersa ng Armed Forces Of the Philippines at United States Indo-Pacific Command sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kanyang official social media account, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patunay ito sa pangako sa Amerika na palakasin ang inter-operability ng kani-kanilang puwersang militar sa pagsasagawa ng pagpapatrolya.

Paliwanag ng pangulo, sa pamamagitan nito, mapapalakas ang regional security at patuloy ang partnership sa pagbabantay ng parehong interes.


Dagdag pa ng pangulo, na ang joint patrols ay bahagi ng serye ng mga aktibidad na kanilang napagkasunduan ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) ng parehong bansa.

Tiwala ang pangulo, na ang pagtutulungan na ito ay makakatulong sa mas ligtas at matatag na kapaligiran para sa mga Pilipino.

Ang joint maritime and air patrols ay magpapatuloy hanggang November 23 o sa Huwebes.

Facebook Comments