JOINT ORDER | Motion for partial reconsideration na magkahiwalay na inihain ng DOJ at Trillanes, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang motion for partial reconsideration na magkahiwalay na inihain ng Department of Justice o DOJ at Senador Antonio Trillanes IV.

Sa inilabas na joint order ni Presiding Judge Andres Bartolome Soriano, na-denied ang mosyon ng DOJ na nagpapabaligtad sa unang desisyon ng korte hinggil sa mosyon ng ahensya na maglabas ng arrest warrant laban kay Trillanes.

Tinanggihan din ng korte ang mosyon ni Trillanes na baligtarin ang October 22 ruling, na nagsasabing legal o constitutional ang Presidential Proclamation 572 kung saan binabawi ang amnestiya ng senador.


Ayon sa korte, “mere rehash” ang mga argumento ng dalawang panig.

Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanyang kakausapin si Solicitor General Jose Calida para sa susunod nilang legal strategy.

Facebook Comments