GOOD NEWS | Bawas presyo sa petrolyo, ipinatupad ng ilang kumpaniya ng langis

Manila, Philippines – Muling magkakaroon ng malakihang bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Unang magpapatupad ng bigtime rollback ang Phoenix Petroleum, na may tapyas na P1.10 sa kada litro ng gasolina at P2.20 sa bawat litro ng diesel.

Simula pa kaninang alas-dose ng hating gabi ay nagsimula na silang magpatupad ng bawas presyo kung saan inaasahan namang susunod na ring mag-aanunsyo ng kani-kanilang price adjustments ang iba pang oil companies.


Ito na ang pang-pitong linggo ng oil price rollback at inaasahang magtutuloy-tuloy ito hanggang Disyembre.

Facebook Comments