Joint Taskforce Salaknib, Nagpakitang Gilas sa RP -US Balikatan Exercises

Cauayan City, Isabela- Ipinakita ng mga miyembro ng RP-US Joint Task Force Salaknib ang kanilang kahusayan at kahandaan sa pagresponde sa anumang uri ng kalamidad o pag atake ng mga terorista sa loob at labas ng ating bansa.

Nagsagawa ng sampung araw na Humanitarian Assistance for Disaster and Relief Training ang pinagsanib na pwersa ng kasundaluhan ng 5th Infantry Division at ng US – Reserve Force kaugnay pa rin sa isinasagawang Military Exercises dito sa lambak ng Cagayan mula nitong Mayo a syete hanggang Mayo disi otso ngayong taon.

Ayon kay Col. Lorenz Mina, Commander ng Joint Taskforce Salaknib ng RP-US Balikatan Exercises, ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa kung paano rumesponde ang mga kasundaluhan laban sa pag-atake ng mga terorista.


Ipinasilip pa ng Joint Taskforce Salaknib kung ano ang tamang paraan ng pag rescue sa mga taong maaring matabunan ng mga gumuhong gusali.

Kamakailan ay nagsimulang umarangkada ang RP-US Balikatan Exercises dito sa lambak ng Cagayan kung saan binuo rito ang Joint Taskforce Freedom, Joint Taskforce Salaknib, at ang Civil Military Assistance.

Facebook Comments