JOKE LANG? | PRRD, nagbirong gumagamit ng marijuana

67

Manila, Philippines – Pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit siya ng marijuana para manatiling gising sa kanyang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Summit sa Singapore.

Katwiran ni Pangulong Duterte, nakamamatay ang schedule at mga aktibidad sa ASEAN meetings lalo na sa kanyang edad kung saan ilang minuto lamang ang “break” sa magkakasunod na pagpupulong na maaga pang nagsisimula.


Kaya yung mga importante at “urgent meeting” na lamang ang kanyang dinaluhan dahil hindi talaga kakayanin.

Pero sa isang ambush interview, nilinaw ng Pangulo na nagbibiro lamang siya at gusto lang niyang magpatawa sa aniya ay “boring” na talumpati.

Facebook Comments

From Advertisers