Jolo Revilla, hindi pa rin nakaka move on sa ex na si Jodi Sta. Maria

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang kumpirmadong maghiwalay ang Cavite Vice Governor na si Jolo Revilla at ang ABS-CBN actress na si Jodi Sta. Maria.

 

Umiiwas pa rin ang actor-politician na magsiwalat ng detalye ukol sa kanilang paghihiwalay. Aniya, “Basta. I’d rather not talk. I said my piece.”

Ayaw pag-usapan ng actor-politician ang kanilang hiwalayan dahil sa pangangatwirang hindi naman daw naging vocal ang dalawa sa kanilang relasyon.

Sinundan niya pa io ng, “Pero wala akong masasabi sa kanya. I still love her.”
Nasabi rin nito na okay naman daw silang dalawa.
“All I can say is Jodi brought out the best in me. She made me a more responsible person. Mahal ko yun,” dagdag pa niya.
Ipinagpasadiyos na lamang ng actor-politician ang pangyayari at sinabing mag fo-focus muna siya sa sarili nya.
Facebook Comments