Jomalig, Quezon, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Jomalig sa Quezon.

Nangyari ito dakong alas-11:09 kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim na dalawang kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan.


Naramdaman ang Intensity II sa Quezon City habang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

– Intensity IV – Polillo, Quezon
– Intensity II – Dingalan at Baler, Aurora;
– Intensity I – Malolos City at Plaridel, Bulacan; Mercedes, Camarines Norte; Gapan City, Gabaldon, Nueva Ecija; Infanta, Alabat, at Guinayangan, Quezon

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks dahil sa lindol.

Facebook Comments