Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, kasado na bukas

Kasado na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas.

Eksakto alas-6:00 ng umaga, ipatutupad ng Pilipinas Shell at Seaoil ang piso at singko sentimos na taas-presyo sa kada litro ng diesel habang nubenta sentimos naman sa gasolina.

May karampot naman na bawas-presyo sa kerosene na nasa bente singko sentimos.


Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Caltex epektibo mamayang hatinggabi gayundin ang Cleanfuel, maliban sa kerosene na epektibo naman alas-4:01 ng hapon bukas.

Una nang sinabi ng Department of Energy na ang panibagong taas-presyo ay bunsod ng ulat na magbabawas ng produksyon ng krudo ang Russia.

Dahil dito, mapipilitang kumuha ng supply sa ibang sources ang mga bansa sa Europa oras na tumaas ang demand.

Facebook Comments