Papasukin na rin ngayong taon ng Filipino-owned JoyRide ang food delivery service upang makapagbigay ng oportunidad sa mga maliliit na negosyante partikular na sa Food Business Sector.
Naniniwala ang JoyRide na malaki ang maitututulong nila sa mga may-ari ng Restaurant pagdating sa pagtitipid dahil hindi na kailangang bumili ng motorsiklo at suweldo sa mga delivery crew.
Ayon kay JoyRide Spokesperson Noli Eala, sa nakalipas na dalawang buwan, tumaas ang porsiyento ng paglago ng kanilang Motorcycle Hailing App Service.
Paliwanag ni Eala na ang pagkain ang pangunahing produkto o serbisyo pagdating sa Industriya ng Delivery Service kung kayat umaasa ang JoyRide na malaki ang magiging positibong epekto ng papasukin nilang ito para sa kapakinabangan ng Lokal na negosyo at makalikha ng mga bagong trabaho.
Magiging kakompetensya ng JoyRide ang FoodPanda ng Germany, HonestBee at GrabFood ng Singapore at iba pang maliliit na kompanya na may kahalintulad na serbisyo.