Joyride, sinilbihan ng show-cause order ng LTFRB dahil sa umano’y sobrang singil sa pamasahe

Binigyan ng 10 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Joyride E-commerce Technologies Corporation na magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin ang kanilang accreditation dahil sa umano’y sobrang singil na labas na sa fare structure ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Base sa complaint na nakarating sa LTFRB, naniningil ang Joyride ng ₱1,000 na kumakatawan sa one-way ride para sa tinatawag na ‘Priority Boarding Fee.’

Ayon sa LTFRB, sa ilalim ng Board under Memorandum Circular No. 2019-036, ang pinapayagang pamasahe ay ang mga sumusunod:


Para sa sedan-type TNVS, ang ₱40.00 ang flag down rate at karagdagang ₱15.00 fare per kilometer at ₱2.00 per minute travel fare.

Para sa Premium AUV/SUV, ang flag down rate ay ₱50.00 at karagdagang ₱18.00 per kilometer fare at ₱2.00 per minute travel.

Para sa Hatchback o Sub-compact type TNVS, ₱30.00 ang flagdown rate at karagdagang ₱13 per kilometer fare rate at ₱2.00 per minute travel fare.

Ang taas pasahe na doble sa fare per kilometer and per minute travel ay applicable sa lahat ng tipo ng TNVS.

Nagbabala ang ahensya sa mga TNC and/or TNVS na papatawan sila ng multa o parusa sa sandaling labagin nila ang alituntunin.

Hinimok din ng mga LTFRB ang riding public na gumagamit ng TNVS na i-report ang mga iregularidad ng mga ride-hailing services.

Facebook Comments