Justice Sec. Guevarra, kinumpirmang may basbas niya ang pagkakasibak sa hepe ng NBI Cybercrime Division

426

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na may basbas niya ang pagkakasibak sa puwesto kay National Bureau of Immigration Cybercrime Investigation and Assessment Center (NBI-CIAC) Chief Vic Lorenzo.

Ayon kay Guevarra, ang pagkakasibak kay Lorenzo at ilang tauhan nito ay may kinalaman sa natuklasan na iregularidad sa operasyon ng grupo ni Lorenzo sa isang establishment sa Manila noong May 31.

Partikular aniya ang irregularity sa pagsisilbi ng search warrant, pagkumpiska at pag-examine sa computer data ng nasabing establishment sa lungsod.


Sinabi pa ni Sec. Guevarra na hinihintay niya rin ang iba pang impormasyon sa kaso ni Lorenzo na isusumite ng NBI Internal Affairs Division.

Una nang inihayag ni NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor na ang pagkakasibak kay Lorenzo ay bahagi ng ginagawang paglilinis nila sa NBI.

Facebook Comments