Judge na nagpadala ng subpoena sa traffic enforcer ng Baguio City na naniket sa kanya dahil sa illegal parking, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

Pinagpapaliwanag ng Supreme Court ang judge ng Cabanatuan City, Nueva Ecija na nagpadala ng subpoena kay Traffic Enforcer Bernard Batnag ng Baguio City Public Order and Safety Division.

 

Ito ay matapos padalhan ng subpoena ng huwes ang traffic enforcer na nag-isyu sa kanya ng ticket dahil sa illegal parking.

 

Inatasan din ni Supreme Court Administrator Midas Marquez si Deputy Court Administrator for Luzon Raul Villanueva na pagpaliwanagin si Municipal Court Judge Nelson Lago kaugnay ng panggigipit nito sa naniket sa kanyang traffic enforcer.


 

Nangyari ang insidente noong October 25 nang magtungo si Judge Lago sa Baguio City para dumalo sa isang security seminar doon.

 

Ipinarada  ni Judge Lago ang kanyang sasakyan malapit sa terminal ng jeep sa kayang street kung saan tinikitan si judge dahil sa illegal parking.

 

Tinanggal din  ng traffic enforcer ang plaka ng sasakyan ng hukom

 

October 28, nagpadala na ng subpoena si Judge Lago kay Batnag at sa iba pang kasaman nitong traffic enforcer at pinagpapaliwanag ang mga ito kung bakit hindi sila dapat patawan ng indirect contempt.

 

Pinapupunta ni Judge si Batnag sa kanyang sala sa Branch 3 sa November 29.

 

Sa subpoena ni judge, sinabi nito na napagkaitan siya ng due process nang tangglin pati ang plaka ng kanyang sasakyan.

 

Sinabi pa ni judge na ang pagbabayad niya ng multa at ang pagkuha niya ng tinanggal na plaka ay naging dahilan para maantala ang naka-schedule niyang hearing.

Facebook Comments