Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre na nasa kamay ng Kongreso ang desisyon kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa kabila ito ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na inihaing ang reklamo laban sa pangalawang pangulo dahil wala itong maitutulong sa bansa.
Pero ayon kay Aguirre, batay sa saligang batas nasa kapangyarihan ng kongreso at wala sa pangulo ang desisyon kung dapat bang ituloy ang impeachment o hindi.
Paliwanag nito, maging siya ay suportado ang impeachment laban kay Robredo dahil na rin sa naging hakbang nito nang magpadala ito ng video message sa 60th annual meeting ng United Nations Commission on Narcotics Drugs kung saan tinuligsa nito ang drug war ng Duterte Administration.
Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na iginagalang nila ang opinyon ng pangulo sa nasabing usapin.
Pagtitiyak nito, idadaan nila sa due process ang nasabing reklamo.
Facebook Comments