OFW na nasa death row sa United Arab Emirates, babasahan ng sakdal ngayong araw

53
Manila, Philippines – Dumating na sa United Arab Emirates (UAE) ang mga magulang ng Overseas Filipino Worker na nasa death row.
 
Ito’y para sa nakatakdang pagdining ngayong araw  ng UAE Court of Appeals kung pagtitibayin ang pagpapataw ng bitay kay Jennifer Dalquez.
 
Sa kabila nito, umaasa ang mga magulang ni jennifer na mabibigyan ito ng pardon.
 
Matatandaan, nag-ugat ang kaso ni Dalquez matapos niyang mapatay ang kaniyang employer nang tangkain siya nitong gahasain.
 
Si Jennifer ay 30–year-old ofw na mayroong dalawang naiwang anak sa Pilipinas.


Facebook Comments