Justice Sec. Guevarra itinalagang OIC habang nasa Russia ang Pangulo

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng bansa habang sya ay nasa Russia si Justice Secretary Menardo Guevarra.

 

Sa special order number 1061 na nilagdaan ni Pangulong Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang Oct1 ay inaatasan si Guevarra na pangasiwaan ang bansa habang wala ang pangulo.

Samantala, itinalaga naman si Michael Ong bilang acting Executive Secretary na hahalili kay Executive Secretary Salvador Medialdea na kasama sa delegasyon ng pangulo.


Si Duterte ay tutungo sa Russia magmula ngayong gabi Oct 1 hanggang Oct 6 para sa kanyang working visit.

Magugunitang makailang beses nang itinalaga si Guevarra bilang caretaker ng bansa kapag mayruong official at working visit ang Pangulo.

Facebook Comments