Justice Sec. Guevarra, kinumpirma na natapos na ang pagdinig ng korte sa Maguindanao Massacre Case

Kinumpirma na ni Justice Secretary Menardo Guevarra na natapos na ang mga pagdinig ng hukuman kaugnay sa kaso ng Maguindanao Massacre na ikinamatay ng mahigit limampu katao, kabilang na ang mahigit tatlumpung mamamahayag noong November 2009.

 

Sinabi ni Justice Secretary Menardo guevarra, nakumpleto ang mga pagdinig nitong  July 17,2019.

 

Binigyan naman ng hanggang August 15, 2019 ang lahat ng partido sa kaso na magsumite ng kanilang  memorandum, o  detalye ng kanilang argumento.


 

Ito ay bago ang paglalabas na ng hatol ng Quezon City Regional Trial Court.

 

Binigyang diin ni Guevarra na meron o walang memoranda na maisumite ang mga partido, ilalabas ng korte ang hatol sa kaso.

 

Umaasa naman ang DOJ na mabibigyan na ng katarungan ang mga biktima ng masaker at ilalabas ng husgado ang desisyon nito bago ang ika-sampung anibersaryo sa Nobyembre  a-23.

Facebook Comments