Manila, Philippines – Tumangging mag-public apology si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kahit na itinanggi na ng ilang mambabatas ang bintang nito hinggil sa pagsiklab ng gulo sa Marawi City.
Sa katunayan, palaban pa ito nang humarap sa media.
Matatandaang sinabi ni Sen. Bam Aquino noong nakaraang linggo na nangako sa kanya si Aguirre na magpa-public apology ito.
Ayon pa kay Aguirre, pag-aaksaya lang ng panahon ang panawagan ng ilang senador na imbestigahan ang fake news na ginawa niyang basehan sa kanyang pahayag.
Pero kung tatanungin si Aquino at ibang mambabatas sa oposisyon si Aguirre ang nagsasayang ng resources ng gobyerno sa pagpapa-imbestiga niya sa DOJ sa “umano’y” destabilization plot ng ilang senador at opposition leaders.
Una na kasing inamin ni Aguirre na nagkamali siya nang sabihin niyang kasama si Aquino sa meeting ng opposition leaders sa Marawi City noong May 2.
Pinayuhan naman ni Sen. Antonio Trillanes si Aguirre ang tigilan ang pagkuha ng Intel sa social media.
Pero nanindigan si Aguirre na itutuloy niya ang imbestigasyon ng DOJ.
Kaya naman magsasagawa ng pagdinig ang senado tungkol sa isyu ng fake news pagbalik ng sesyon ng kongreso sa Hulyo.
DZXL558